UPDATE UKOL SA KASALUKUYANG POWER SITUATION SA PALAWAN MAIN GRID
May 22, 2026
as of 7:00 PM
(information from TransCo)
1. Nagkaroon ng total system blackout mula munisipyo ng Brooke’s Point hanggang Taytay kaninang 9:22 AM dahil sa may naputol na linya ng transmission sa Sitio Tacduan, Brgy. Inagawan, Lungsod ng Puerto Princesa (sa pagitan ng NPC Tower No. 110 at Tower No. 111 o sakop ng Irawan-Aborlan 69 kV transmission line);
2. Agad namang ibinalik ang suplay ng power sa lungsod ng Puerto Princesa hanggang sa mga munisipyo sa North ng Palawan gamit ang mga planta ng DMCI at Delta P sa Lungsod;
3. Ibinalik din ang suplay ng power sa mga munisipyo sa South ng Palawan gamit ang DMCI Thermal Plant sa Narra;
4. Dahil sa hindi makatawid ang suplay mula DMCI Thermal Plant sa Narra gamit ang Irawan-Aborlan 69 kV transmission line at dahil na rin sa taas ng demand sa power, kulang ang suplay para sa Lungsod ng Puerto Princesa hanggang sa mga munisipyo sa North ng Palawan. Kinailangang magsagawa ng manual load dropping o load shedding upang hindi muling magkaroon ng total system failure;
5. Ayon sa NPC, kasalukuyan nilang inaayos ang kanilang naputol na transmission line. Maaari umanong magtagal ang pag-aayos hanggang bukas ng umaga. Dahil dito, maaaring magtuloy-tuloy ang pagpapalit ng mga serkitong kailangang i-manual load drop. Gayunpaman, inaasahan namang bababa ang demand sa power mamayang 10:00 PM at maaari nang maibalik ang power sa lahat ng serkitong maapektuhan.
- Share to Facebook