Palawan Electric Cooperative

Lusot na sa Committee on Energy ang ilang panukalang batas na layong kilalanin at protektahan ang ating mga modern-day heroes sa linya ng kuryente — ang mga 𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐄𝐑𝐒!

Kabilang dito ang 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗕𝗶𝗹𝗹 𝗡𝗼. 𝟴𝟲𝟳 𝗮𝘁 𝟯𝟮𝟯𝟱 na naglalayong ideklara ang unang Lunes ng Agosto bawat taon bilang “𝗟𝗶𝗻𝗲 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗔𝗽𝗽𝗿𝗲𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗮𝘆,” bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at serbisyo sa pagpapanatili ng ilaw sa ating mga tahanan at komunidad.
 
Kasama rin ang 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗕𝗶𝗹𝗹 𝗡𝗼. 𝟴𝟲𝟴 𝗮𝘁 𝟮𝟯𝟵𝟵 na nagbibigay ng 𝗺𝗮𝗻𝗱𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗶𝗻𝘀𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗰𝗼𝘃𝗲𝗿𝗮𝗴𝗲 𝗮𝘁 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝘁𝘀 para sa lahat ng line workers sa bansa. Ang mga panukalang, inakda ni 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗶𝗻𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗔𝗣𝗘𝗖 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆-𝗹𝗶𝘀𝘁 𝗥𝗲𝗽. 𝗦𝗲𝗿𝗴𝗶𝗼 𝗖. 𝗗𝗮𝗴𝗼𝗼𝗰, ay patunay ng kanyang patuloy na adbokasiya para sa kapakanan ng ating mga line workers na kasama natin sa pagsulong ng eletripikasyon sa bansa.
 

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com