Palawan Electric Cooperative

𝐏𝐀𝐋𝐄𝐂𝐎 𝐈𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍
𝐓𝐏𝐒𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐂𝐎 𝐀𝐓 𝐃𝐄𝐋𝐓𝐀 𝐏, 𝐈𝐍𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐄𝐑𝐂; 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑-𝐂𝐎𝐍𝐒𝐔𝐌𝐄𝐑-𝐎𝐖𝐍𝐄𝐑𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐂𝐎, 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐅𝐔𝐍𝐃

Ipinaabot ni 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐑𝐞𝐳 𝐋. 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐢𝐯𝐢𝐝𝐚, General Manager ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), kay Board Member Ryan D. Maminta, Chairperson ng Committee on Energy ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, ngayong araw, ika-7 ng Oktubre, na ibinaba na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang desisyon nitong aprubahan ang 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐲 𝐀𝐠𝐫𝐞𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐓𝐏𝐒𝐀) 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐂𝐎 𝐚𝐭 𝐃𝐞𝐥𝐭𝐚 𝐏, 𝐈𝐧𝐜. (𝐃𝐏𝐈) para sa 26.65 MW na suplay ng kuryente sa Palawan Main Grid (ERC Case No. 2025-008 RC). Kalakip ng nasabing pag-apruba ang pag uutos ng ERC sa National Power Corporation – Small Power Utility Group (NPC-SPUG) na mag-execute ng isang Universal Charge for Missionary Electrification (UCME) Subsidy Agreement na nagsasabing 𝐢𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 sa PALECO ng DPI ang anumang halagang babayaran ng NPC sa kanila bilang subsidiya para sa nasabing TPSA.

Matatandaang sumailalim sa isang TPSA ang PALECO at DPI simula noong ika-4 ng Oktubre 2024 na nagtapos naman makalipas ang isang (1) taon. Alinsunod sa nasabing TPSA, nagbabayad ng True Cost of Generation Rate (TCGR) ang PALECO para sa generation cost sa DPI na mas mahal sa Subsidized Approved Generation Rate (SAGR) na P7.39 kada kWh lamang. Nang ipinasa ng PALECO at DPI ang nasabing TPSA sa ERC, kasama sa hiling ng mga ito na 𝐦𝐚𝐢𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐨 𝐦𝐚-𝐢-𝐫𝐞𝐟𝐮𝐧𝐝 sa mga member-consumer-owner ng PALECO ang halaga ng dapat na natatanggap na subsidiya ng mga ito mula sa UCME.

Nilinaw din ni Engr. Contrivida na sa kasalukuyan ay inaantay pa ng pamunuan ng PALECO ang ipapalabas na pamantayan ng NPC kung papaano ang magiging paraan nito ng pagbalik ng subsidya sa DPI. Pagkaraan lamang nito, mapag uusapan ang magiging pamamaraan ng pag-refund ng DPI sa PALECO na 𝐢-𝐫𝐞-𝐫𝐞𝐟𝐮𝐧𝐝 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫-𝐜𝐨𝐧𝐬𝐮𝐦𝐞𝐫-𝐨𝐰𝐧𝐞𝐫 𝐧𝐢𝐭𝐨.

Nangako naman si BM Maminta na tutulong ang Sanggunian Panlalawigan upang mapabilis ang pagpapalabas ng nasabing pamantayan ng NPC.

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com