Palawan Electric Cooperative

๐Ÿ”ด๐ŸŽฅ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป:
Sa kanyang interpelasyon sa kabuoang badyet ng Department of the Interior and Local Government (DILG), binigyang-diin ni Deputy Minority Leader Sergio Dagooc ang isyu kaugnay ng pagbibigay ng exemption sa buwis mula sa mga LGUโ€”isang desisyon na kinatigan ng DILG, DOF, at BLGF.

Ang usaping ito ay nagsimula sa isang liham ng Department of Finance noong Setyembre 20, 2024, na naglatag ng hangarin ng ahensya na ipatupad ang probisyon ng Republic Act No. 10531. Mahalaga ang batas na ito dahil kinikilala nito ang preferential rights ng mga electric cooperatives alinsunod sa Republic Act No. 7160 o Local Government Code. Ganoon pa man ay iba pa rin ang pagtanggap ng ilang ahensya sa implementasyon nito.
ย 
Giniit ni DML Dagooc na matiyak ang tamang pagtrato sa buwis para sa mga kooperatiba, upang patuloy nilang magampanan ang mahalagang papel ng pagbibigay ng abot-kayang kuryente sa mga liblib na komunidad sa buong bansa.
ย 

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com