Palawan Electric Cooperative

PALECO IN ACTION

Pakikiisa ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa Simultaneous Line Clearing and Tree Planting Activity ng mga electric cooperative sa buong bansa bilang pagdiriwang ng ika-16 na taon ng pagdeklara sa buwan ng Agosto bilang National Electrification Awareness Month at ika-56 taon ng pagkakatatag ng National Electrification Administration (NEA) ngayong araw, ika-15 ng Agosto.
 
Nagsagawa ng malawakang paglilinis ng linya ang mga kawani mula sa Area Central Operations Department (ACOD) sa Sitio Apan, Parangue Road at bahagi ng Rampano Road, Barangay Sicsican. Samantala, ang parehong gawain ay isinagawa naman ng mga kawani ng Area North Operations Department (ANOD) sa Barangay Old Guinlo, Taytay, Palawan at Barangay Villa Libertad, El Nido, Palawan.
 
Nagsagawa naman ng pagatatanim ng mga puno ang mga kawani ng ASOD sa Sitio Mariwara, Barangay Princess Urduja, Narra, Palawan samantalang nagsagawa naman ng mangrove planting sa Barangay San Nicolas, Roxas, Palawan ang mga kawani ng ANOD kasama ang mga residente ng nasabing barangay.

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com