PABATID SA MGA KAMAY-ARI
Kasalukuyang nasa humigit-kumulang 50 report ng pagkawala ng daloy ng kuryente at iba pang service requests ang hawak ng ating mga lineman na nadaragdagan pa dahil sa patuloy na sama ng panahon.
Samantala, upang masiguro ang seguridad ng mga lubhang naapektuhan ng nasabing masamang panahon, kasalukuyang priority ang pag shut off ng power sa mga lugar na binabaha. Nagdagdag din ng mga grupo ng lineworkers upang makatulong sa pag responde sa ating mga kababayan.
Hinihiling ng pamunuan ng Kooperatiba ang inyong pag unawa sakaling kayo ay mawalan ng kuryente. Maaaring ito ay dahil sa kasama ang inyong lugar sa mga sinadyang i-shut off. Maging kapag matagalan ang pagpapabalik ng daloy ng kuryente sa inyong kabahayan na dahil naman sa pila ng mga service request na kasalukuyang inaaksyunan ng ating mga lineman.
Nananatili namang bukas ang ating mga hotline number para sa inyong mga katanungan at service request. Ihanda lamang ang mga sumusunod na impormasyon:
Name:
Contact number:
Address:
Landmark/s:
Concern:
Sinisuguro rin ng ating pamunuan na ginagawa nito, at ng mga kawani ng Paleco, ang kanilang makakaya upang makapagbigay serbisyo sa lahat. Maraming salamat po
- Share to Facebook