PABATID SA MGA KAMAY-ARI: Apat (4) na araw na lamang, ating 43rd Annual General Membership Assembly (AGMA) na!
Ito ay sabayang idaraos sa Sabado, ika-17 ng Mayo, sa mga sumusunod na venue:
• Edward S. Hagedorn Coliseum, Lungsod ng Puerto Princesa
• Narra Municipal Gymnasium
• Octagon Covered Court, Brooke’s Point
• Roxas Municipal Gymnasium
• Palawan State University – Palawan College of Arts and Trades – Cuyo Campus
Magsisimula ang registration ng ika-6 ng umaga (6:00 AM) samantalang magsisimula naman ang pormal na programa ng ika-1 ng hapon (1:00 PM).
Upang makaiwas sa mahabang pila ng registration sa mismong araw ng pagpupulong, maaari nang pumunta sa pinakamalapit na opisina ng Paleco upang makapagpa-pre-register.
Samantala, maaari ring dumalo online. Pumunta lamang sa www.paleco.net at mag-log in sa inyong MCO Portal upang makapag-pre-register. Ang pre-registration period ng mga dadalo online ay hanggang sa ika-16 ng Mayo lamang.
Ang bawat miyembro na dadalo ay bibigyan ng ₱300.00 na insentibo [cash para sa mga dadalo ng face-to-face samantalang dagdag na paid-up share capital o bawas sa bayarin sa kuryente (rebate) sa dadalo online]. Gayun pa man tanging ang mga dadalo ng face-to-face lamang ang magkakaroon ng pagkakataong manalo sa gagawing raffle draw.
Tandaan na magdala ng isang (1) valid ID at bawal ang proxy.
MAGANDANG BALITA:
Ibinigay na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Provisional Authority sa ipinasang Power Supply Agreement (PSA) para sa 40 MW na supply ng kuryente sa pagitan ng Paleco at Delta P, Inc. Nangangahulugang nalalapit na ang muling pagbaba ng halaga ang singilin sa kuryente sa Palawan Main Grid!

- Share to Facebook