KAMAY-ARI UPDATE
Nagpatawag ng isang special meeting para sa power family si Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng Palawan Electric Cooperative (Paleco), noong ika-11 ng Pebrero sa main office ng Kooperatiba.
Kabilang sa dumalo ang ilang kawani ng Paleco, ng National Power Corporation (Napocor), ng National Transmission Corporation (TransCo) at mga independent power provider (IPP) ng Kooperatiba na DMCI Power Corporation, Delta P, Inc. at Palawan Power Generation, Inc.
Pinag-usapan ang current power situation ng mga lugar na konektado sa Palawan Main Grid. Nabanggit rin sa nasabing pagpupulong ang isasagawang testing sa N-1 unit ng DMCI sa kanilang planta sa Aborlan.
Inilatag din sa pagpupulong ang plano ng Napocor na palitan ang transmission line structure Nos. 216 at 217 na bumagsak noong ika-10 ng Pebrero sa Barangay Maasin, Brooke’s Point.
Nagpaabot ng kani-kanilang dedikasyon at suporta ang power family upang mapadali ang pagpapatayo sa mga nasabing istraktura. Ipinangako ni GM Contrivida ang pagpapadala ng karagdagang tao sa Napocor. Samantala, nakipag-ugnayan din ang power family sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at maging kay Hon. Cesareo R. Benedito, Jr., Alkalde ng munisipyo ng Brooke’s Point, upang makahiram ng mga makinaryang kinakailangan sa pagtatayo.
Dagdag pa rito, napag-usapan din sa pagpupulong na magpapaabot ng tulong ang bawat kasapi ng power family sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng ilang araw na matinding pag ulan.
![](https://paleco.net/paleco/wp-content/uploads/2025/02/image_powerfamilymeeting_001.jpg)
- Share to Facebook