Dumalo si Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng Paleco, sa isang pagpupulong na pinangunahan ng Provincial Government of Palawan – Provincial Planning and Development Office (PPDO) at Archipelago Renewables Corporation (ARC) kahapon, ika-31 ng Enero, sa VJR Hall, Palawan Provincial Capitol
TINGNAN:
Dumalo si Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng Palawan Electric Cooperative (Paleco), sa isang pagpupulong na pinangunahan ng Provincial Government of Palawan – Provincial Planning and Development Office (PPDO) at Archipelago Renewables Corporation (ARC) kahapon, ika-31 ng Enero, sa VJR Hall, Palawan Provincial Capitol, kasama ang mga kawani mula sa Corporate Planning Department ng Kooperatiba.
Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan kung paano mapapadali ang pagproseso ng mga kinakailangang permit para sa ARC, isang Microgrid System Provider (MGSP), na binigyan ng pahintulot na magtayo ng Hybrid Microgrid Systems Projects sa 16 na lugar sa Lalawigan ng Palawan:
1. Brgy. Sto. Tomas, Dumaran
2. Brgy. Bohol, Dumaran
3. Brgy. Sarong, Bataraza
4. Brgy. Taratak, Bataraza
5. Brgy. Calatagbak, Quezon
6. Brgy. Taburi, Rizal
7. Sitio Linao, Brgy. Taburi, Rizal
8. Brgy. Canipaan, Rizal
9. Brgy. Latud, Rizal
10. Brgy. Alacalian, Taytay
11. Brgy. Bantulan, Taytay
12. Brgy. Silanga, Taytay
13. Brgy. Caruray (Proper), San Vicente
14. Sitio Gawid, Brgy. Caruray, San Vicente
15. Brgy. Binga, San Vicente
16. Brgy. Bebeladan, El Nido
Ang hybrid microgrid system ay isang localized energy system na maaaring gumamit ng parehong conventional o iyong non-renewable energy source (tulad ng coal, langis, natural gas at iba pa) at renewable energy source (solar, wind at iba pa) upang mag-generate ng kuryente. Sa tulong ng MGSP, mapapailawan ang mga malalayong lugar sa Palawan na hindi pa kayang abutin ng linya ng kuryente ng Paleco.
Samantala, tinalakay din ang natamong pagkilala sa kalahalagan ng nasabing proyekto sa pamamagitan ng ipinalabas na sertipiko mula sa Department of Energy (DOE) o ang Certificate of Energy Projects of National Significance na alinsunod sa Republic Act No. 7638 o DOE Act of 1992 at DOE Department Order No. DO2024-04-0003.
Dahil dito, hinihikayat ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na makiisa at magtulungan upang mabilis na maisakatuparan ang proyektong pagpapailaw sa mga nabanggit na lugar.
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga kawani mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) at DOE.
Pictures courtesy of PGP-PPDO
- Share to Facebook