Palawan Electric Cooperative

Matagumpay na naisagawa ng mga kawani ng Paleco ang unang Electrikalye ng taon

TINGNAN:
 
Matagumpay na naisagawa ng mga kawani ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) ang unang Electrikalye ng taon sa Brgy. San Rafael Covered Court noong ika-18 ng Enero.
 
Ang nasabing programa ay nagalalayon na mailapit ang mga serbisyong ibinibigay ng Kooperatiba sa mga member-consumer-owner nito na nakatira sa malalayong barangay tulad ng mga sumusunod:
1. Pre-Membership Education Seminar (PMES)
2. Application for New Electric Service Connection
3. Membership Sanitation
4. Mobile Collection
5. Information/Complaints/Billing Inquiry
6. kWh Meter Exhibit
7. kWh Meter Testing
 
Umikot din sa mga kabahayan sa nasabing barangay ang ilang kawani ng Kooperatiba upang magsagawa ng IEC campaign at mamahagi ng mga flyer, souvenir program, financial statement at iba pa.
 
Isinagawa rin sa parehong araw ang Tarabiangan o malawakang paglilinis ng linya ng mga kuryente mula Brgy. Lucbuan patungong Brgy. Langogan na naglalayon namang mabawasan ang pagkakaroon ng blackout na dulot ng vegetation at wildlife.
 
Samantala, palagian nang gaganapin ang Elektrikalye at Tarabiangan tuwing ikalawang Sabado ng buwan hindi lamang sa lungsod ng Puerto Princesa ngunit maging sa iba pang munisipyong sakop ng franchise area ng Paleco.

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com