"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
ELEKTRIKALYE MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA UNANG PAGKAKATAON
TINGNAN:
Matagumpay na naisagawa ng mga kawani ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa unang pagkakataon ang Elektrikalye sa Binuatan Homeowners Meeting Center, Brgy. Sicsican noong ika-13 ng Disyembre.
Dumalo sa nasabing gawain ang mga miyembro ng Binuatan HOA, Edel Ville HOA at iba pang residente ng nasabing barangay.
Ang Elektrikalye ay isang programa kung saan inilalapit ang mga serbisyong ibinibigay ng Koopertiba (tulad ng pagsasagawa ng Pre-Membership Education Seminar, Informational Meeting, Membership Sanitation, pag tanggap sa mga bagong aplikasyon para sa mga nais magkaroon ng electric service connection, kWh meter testing at iba pa) sa mga lugar na may nakatakdang gawain ang mga lineman ng Paleco tulad ng paglilinis ng linya, relokasyon ng mga kuntador ng kuryente, pagpapalit ng mga ito at relokasyon ng mga service drop wire.
Samantala, nagkaroon din ng exhibit kung saan ipinaliwanag sa mga dumalo kung paano nila maaaring basahin ang kanilang kuntador ng kuryente.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng Paleco sa mga residente na dumalo sa pangunguna nina Gng. Flora Mae Tumalac, Pangulo ng Binuatan HOA, at Gng. Melody L. Seriosa, Pangulo ng Edel Ville HOAI.