"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
ELECTRIC BILL SURCHARGE AMNESTY
P A B A T I D
ELECTRIC BILL SURCHARGE AMNESTY
Kamay-ari!
Bilang PAMASKONG HANDOG NG PALAWAN ELECTRIC COOPERATIVE (Paleco), ang mga may bayarin pa sa ating Kooperatiba ay binibigyan ng pagkakataong makabayad at hindi na sisingilin ng 5% surcharge kung babayaran ang kabuuang halaga. Ito ay magsisimula ng December 9 hanggang December 31.
Ito ay alinsunod sa mungkahi ng pamunuan ng Paleco, sa pangunguna ni General Manager Rez L. Contrivida, na sinang-ayunan naman ng Board of Directors ng Kooperatiba sa pamamagitan ng pagpasa ng Board Resolution No. 209.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po sa ating lahat!