"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
BASIC ELECTRICAL TROUBLESHOOTING SEMINAR - BGY. LUZVIMINDA
TINGNAN:
Bilang pagdiriwang sa Cooperative Month 2024, kasalukuyang nagsasagawa ng Basic Electrical Troubleshooting Seminar ang Palawan Electric Cooperative (Paleco) para sa mga opisyales at kasapi ng Member-Consumer-Owner Organization (MCOO) ng Barangay Luzviminda, Lungsod ng Puerto Princesa sa covered court ng nasabing barangay.
Nagsilbing tagapagsalita si Engr. Divine Grace U. Palanca, Special Project Officer, samantalang dumalo rin sina Dir. Raul M. Timbancaya mula sa District IV (Southern Barangays of Puerto Princesa City) at Gng. May Ann A. Francisquite, Member Services Division (MSD) Chief mula sa Institutional Services Department (ISD).
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng Paleco sa mga opisyales ng Brgy. Luzviminda sa pangunguna ni Punong Barangay Laddy R. Gemang, sa Chairperson ng Brgy. Luzviminda MCOO na si G. Frank Burns at sa 37 MCO na naging daan upang maidaos ang nasabing gawain.