Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

BB. MAYLENE D. BALLARES - RE-ELECTED DIRECTOR NG DISTRICT I

TINGNAN:
 
Iprinoklama noong ika-12 ng Oktubre bilang re-elected director ng District I (Poblacion Barangays ng Lungsod ng Puerto Princesa) si Bb. Maylene D. Ballares matapos nitong makakuha ng 347 na boto laban kay G. Johnny A. Peñalosa na nakakuha naman ng 293 na boto.
Ang nangasiwa ng eleksyon at nagproklama ay ang District Election Committee (DECOM) ng District I na binubuo nina Bb. Joanna G. Gimotea, G. Rey D. Betita at Gng. Lorna P. Saavedra kasama si Gng. Mercedes A. Latonio ng Election Committee.
 
Nagpapasalamat ang pamunuan ng Paleco sa mga guro na nagsilbing miyembro ng Precinct Election Committee (PECOM), kay G. Teodoro L. Bundal, alternate member ng DECOM, at sa mga member-consumer-owner ng Kooperatiba sa paglahok sa naganap na halalan.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com