Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

SWITCH-ON CEREMONY - SITIO MALBEG, BGY. BACUNGAN

TINGNAN:
 
Isang switch-on ceremony ang isinagawa ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa covered court ng Brgy. Bacungan sa Lungsod ng Puerto Princesa noong ika-23 ng Setyembre.
 
Humigit-kumulang 60 na pamilya ang naging benepesyaryo ng Sitio Electrification Program (SEP) ng National Electrification Administration (NEA) at Paleco mula sa Sitio Malbeg ng nasabing barangay.
 
Dumalo sa nasabing gawain sina Dir. Juancho M. Belgado mula sa District III (Northern Barangays of Puerto Princesa City), Atty. Arnel Pedrosa, City Administrator, opisyales ng Brgy. Bacungan at mga residente nito.
 
Isa lamang ang Sitio Malbeg sa 19 na karagdagang lugar na mapapailawan ngayong taon.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com