Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PALECO DISTRICT II ELECTION 2024 - 2 DAYS LEFT BEFORE ELECTION DAY

Kamay-ari!

Mayroon na lamang dalawang (2) araw bago ang nakatakdang halalan sa District II na binubuo ng Barangay Mandaragat, San Miguel, San Pedro, San Manuel at San Jose ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Magbubukas ang ating mga presinto sa September 21 mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM.

Upang malaman kung saang presinto kayo maaaring bumoto, pumunta lamang sa inyong mga barangay hall, sa city hall o kaya nama’y sa tanggapan ng Paleco upang hanapin ang inyong pangalan sa nakapaskil na Final Master List of Voters na makikita rin www.paleco.net (https://tinyurl.com/DII2024-FMLV).

Paalala lamang na sa araw ng halalan ay huwag kalimutang magdala ng isang (1) valid ID at na HINDI pinapayagan ang PROXY VOTING.

Magkita-kita po tayo sa September 21!
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com