Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

NAIS MO BANG MAGKAROON NG ELECTRIC SERVICE CONNECTION SA PALECO?

Nais mo bang magkaroon ng electric service connection sa Paleco?

1. Isumite ang mga sumusunod na dokumento:
a. Electrical Plan na may pirma at selyo ng isang Professional Electrical Engineer (PEE);
b. Permit for Temporary Service Connection o Certificate of Final Electrical Inspection/Completion mula sa Office of the City Building Official (OBO) o Municipal Engineering Office ng inyong lugar;
c. Larawan ng bahay o gusali mula sa nasabing ahensya;
d. Fire Safety Clearance mula sa Bureau of Fire Protection (BFP); at
e. Tax Identification Number (TIN) mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung wala ka pa nito.

2. Punan ang mga sumusunod at isumite:
a. Application for Membership and Electric Service Connection;
b. kWh Meter Installation Agreement; at
c. Membership Subscription Agreement.

3. Maaari nang simulan ang proseso upang makapag-secure ng inyong Billing Clearance. Magtungo lamang sa Area Consumer Accounts Division para rito.

4. Magsumite rin ng dalawang 1 x1 ID picture at isang valid ID na naglalaman ng iyong lagda. Narito ang listahan ng mga valid ID na maaaring ibigay:
a. Passport
b. Driver’s License
c. PRC ID
d. NBI/Police Clearance
e. Postal ID
f. Voter’s ID
g. SSS/GSIS ID
h. UMID ID
i. National ID

5. Magbigay ng sketch ng direksyon at lokasyon kung nasaan ang bahay o gusaling ppapalagyan ng service connection at kunin ang schedule ng inspection. Siguraduhin ding maglagay ng mailbox sa gate o labas ng inyong bahay o gusali bago ang ibinigay na araw ng inspection.

6. Siguraduhin ding makapagpalista para sa Pre-Membership Education Seminar (PMES) na ginaganap tuwing araw ng Huwebes ng alas dyes ng umaga (10:00 AM) sa lahat ng tanggapan ng PALECO maliban sa munisipyo ng Roxas at Cuyo na isinasagawa tuwing alas dos ng hapon (2:00 PM) sa parehong araw. Kunin ang patunay na ikaw ay nakadalo nito.

7. Pagkatapos ng inspection, malalaman kung kinakailangang bumili ng dagdag na service drop sapagkat hanggang 30 metro lamang ang ibinibigay ng libre ng Kooperatiba. Sakaling bumili ng karagdagang service drop, isumite ang resibo kasama ng inyong aplikasyon. Malalaman din kung kinakailangan ang paglalagay ng service entrance (line at load side) at maging ng service pedestal o steel pole. Siguraduhin lamang na tama ang mga materyales na gagamitin para sa nasabing service pedestal o steel pole alinsunod sa sasabihin ng inspector.
Kung higit sa 100 metro ang kabuuang haba ng kinakailangang service drop, kailangan ding magpasa ng Affidavit of Undertaking na hindi mo sisisihin ang PALECO sakaling humina ang boltahe ng kuryente dahil sa haba ng linya mula sa tapping pole.
Sakaling kinakailangang bumili ng sariling kontador, agad na dalhin ito sa Paleco Main Office upang sumailalim sa meter testing.

8. Bumalik sa opisina ng PALECO upang kunin ang clearance mula sa Area Consumer Accounts Division, pirmahan ang Inspection Report at bayaran ang mga sumusunod:
a. Utang o halaga ng hindi pa bayad na kuryenteng nakapangalan sa inyo;
b. Connection fee na nagkakahalaga ng P11.20;
c. Inspection fee na nagkakahalaga ng P11.20;
d. Bill deposit na katumbas ng inyong estimated na konsumo para sa isang buwan ayon sa inyong electrical plan o schedule of load;
e. Share capital na P1200.00, membership fee na P100.00 at P84.00 para sa ID at certificate para sa mga magiging bagong miyembro ng PALECO; at
f. P420.00 para sa meter testing ng sakaling bumili ng sariling kontador.
Matapos ng lahat ng ito ay hintayin na lamang kung kailan makakabit ang inyong mga kawad at metro.

Para sa inyong mga katanungan, maaaring tumawag o mag email sa mga sumusunod na numero:
Puerto Princesa City: 0917-864-4443
Area South:
Brooke’s Point/Sofronio Española/Bataraza – 0917 710 5048
Aborlan – 0907 813 2308/0917 706 7381/048 423 – 6167
Narra – 0998 379 0982
Quezon – 0909 871 9915/0917 706 5553
Rizal – 0918 737 7047
Area North:
Agutaya – 0961 407 1907
El Nido – 0915 843 3303
Taytay / Dumaran – 0951 950 6763
Roxas/Araceli/Cagayancillo – 0985 498 0785
Cuyo – 0912 904 2067
San Vicente – 0912 067 6364
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com