Palawan Electric Cooperative

Pabatid

Kasalukuyang nakakaranas ng unscheduled blackout ang maraming lugar sa loob
ng ating franchise area.
Ito ay dahil sa nararanasang sama ng panahon sa ating lalawigan na
nagdudulot naman ng pagkatumba ng mga puno sa mga kawad ng kuryente, pag
sampay ng mga nahuhulog na sanga at iba pang kahalintulad na obstruction sa
ating mga distribution line.
Makikisuyo pong itawag sa ating mga hotline number sa oras na kayo ay
mawalan ng kuryente upang magawan ng job order at mapuntahan ng ating mga
lineman.
Sakaling ang blackout ay nai-report na at mayroon ng job order, pupuntahan
naman ito isa-isa ng ating mga lineman.
Makikisuyong antabayanan ang tawag nila sa inyo upang mapadali ang kanilang
pagsasaayos sa makikitang problema.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com