"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
TARABIANGAN/BAYANIHAN ACTIVITY - BGY. MONTIBLE TO BGY. NAPSAN
Sa pangunguna ng General Manager ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) na si Engr. Rez L. Contrivida, isinagawa ng mga kawani ng Kooperatiba ang kanilang Tarabiangan/Bayanihan Activity o ang boluntaryong pagsasagawa ng massive line clearing ngayong araw, ika-8 ng Hunyo, sa Brgy. Montible patungong Brgy. Napsan, Lungsod ng Puerto Princesa kung saan matagumpay nilang nalinis ang humigit-kumulang 5.3 km na haba ng linya.
Ang pagdaraos ng nasabing gawain ay alinsunod sa mandato ng Kooperatiba na makapagbigay ng maasahang serbisyo sa kanilang Member-Consumer-Owners (MCO) sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa mga linya ng kuryente mula sa mga suliraning dulot ng vegetation (mga gumagapang na halaman, sanga ng mga punong-kahoy) at buhay-ilang.
Samantala, nagpapasalamat ang pamunuan ng PALECO sa mga opisyales at kawani ng mga nasabing barangay na nakiisa at tumulong sa nasabing gawain at sa kanilang pagtanggap sa mga kawani ng Kooperatiba.
Ang Tarabiangan/Bayanihan Activity ay nakatakdang isagawa ng mga kawani ng PALECO tuwing ikalawang Sabado ng bawat buwan.