Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PABATID

Ngayong buwan ng Abril ay nakatakdang muling magtataas ang singilin sa kuryente sa buong franchise area ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) alinsunod sa petisyong inihain ng National Power Corporation (NAPOCOR/NPC) na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) o ang ERC Case No. 2018-048 RC.
 
Ang isang NPC Small Power Utility Group (NPC SPUG) Area, tulad ng Palawan, ay may natatanggap na subsidiya mula sa nakokolektang Universal Charge for Missionary Electrification (UCME) mula sa lahat ng end-user ng kuryente sa buong bansa at tanging ang Subsidized Approved Generation Rate (SAGR) lamang ang sinisingil sa mga gumagamit ng kuryente anuman ang totoong halaga ng pag generate ng power o iyong True-Cost Generation Rate (TCGR) ng mga Independent Power Provider (IPP). Halimbawa, kung ang TCGR sa isang IPP ng PALECO ay Php 18.00/kWh para sa buwan ng Marso 2024, tanging Php 6.9520/kWh o ang SAGR lamang ang sinisingil sa mga member-consumer ng Kooeratiba sapagkat sagot naman ng UCME ang natitira dito alinsunod sa Republic Act No. 9136 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
 
Ang halagang Php 6.9520/kWh na ito ay ang ikalawang pagtaas na ipinatupad ng PALECO noong taong 2023 alinsunod sa naaprubahang petisyon ng NAPOCOR o ERC Case No. 2018-048 RC. Ang unang pagtaas ay naipatupad noong taong 2022 kung saan nagkakahalaga ng Php6.3693/kWh ang SAGR at ngayong buwan ng Abril ay nakatakdang ipatupad ang ikatlong pagtaas ng SAGR na may halagang Php7.3900/kWh.
 
Subalit, hindi pa man nagsisimula ang implementasyon ng nasabing ikatlong pagtaas ng SAGR ay nagpasa ng panibagong petisyon ang NAPOCOR sa ERC na muling taasan ang sinisingil na SAGR sa mga NPC SPUG Area tulad ng Palawan o ang ERC Case No. 2023-133 RC.
Sa nasabing petisyon, itataas mula Php7.3900/kWh ang SAGR sa Php8.5982/kWh para sa mga residential connection at itataas naman mula Php7.3900/kWh ang SAGR sa Php10.0488/kWh para sa mga commercial/industrial connection.
 
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Pamunuan ng PALECO sa mga Local Government Unit (LGU) at iba pang mga apektadong electric cooperative sa iba pang mga NPC-SPUG Area upang tutulan ang nasabing petisyon ng NAPOCOR.
 
Hinihiling din ng Pamunuan ng PALECO ang tulong ng bawat-isang member-consumer-owner (MCO) nito sa pamamagitan ng pagdalo sa nalalapit na public hearing sa ika-11 ng Abril nang ika-siyam ng umaga (9:00 AM). Magtungo lamang sa F. Ponce de Leon Gymnasium sa PALECO Main Office upang makadalo sa nasabing public hearing.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com