"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
TOTAL BLACKOUT UPDATE - NOVEMBER 27, 2023
TOTAL BLACKOUT UPDATE
November 27, 2023
Kaninang 12:58 AM ay nagkaroon ng total blackout sa Lungsod ng Puerto Princesa at Munisipyo ng Roxas, Taytay, Dumaran (mainland), Aborlan, Narra, Brooke’s Point, Sofronio Española at Bataraza ng mag trip ang main circuit breaker ng Narra Thermal Power Plant na nagdulot din ng cascading trip ng iba pang makina ng mga power provider ng PALECO.
Napag alaman na ang sanhi nito ay pag short circuit sa 69 kV Transmission Line.
Upang maibalik ang power sa mga apektadong lugar, naka island mode ang Lungsod ng Puerto Princesa. At kinailangang i-load shed ang mga sumusunod na lugar:
Buncag Recloser at Chariot Recloser
Piltel Recloser at Manalo Recloser
Nawalan naman pansamantala ng power ang Lungsod ng Puerto Princesa oras na simulan ang resynchronization o back to grid operation at ang paglilipat ng supply ng Delta P Inc (DPI) sa 69 kV Grid upang iwasan ang maghapong load shedding.
Narito ang oras na naibalik ang power sa lungsod ng Puerto Princesa
San Jose Initial – 10:27 AM
GMA Initial – 10:29 AM
San Manuel Recloser – 10:31 AM
Iwahig Circuit – 10:34 AM
Mendoza Recloser – 10:39 AM
WESCOM Initial – 10:39 AM
Factor Recloser – 10:41 AM
Lacsama Recloser – 10:47 AM
Buncag and Chariot Recloser – 10:58 AM
Piltel and Manalo Recloser – 11:06 AM
Sa kasalukuyan ay energized na ang lahat ng serkito sa Lungsod ng Puerto Princesa at mga munisipyo.
Sakaling kayo ay wala pa ring power, agad na tumawag sa mga sumusunod na numero:
433-2001; 09175532836; at 09088926584
Aming paumanhin sa lahat ng naapektuhan.