"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
LIBRENG MEDICAL CONSULTATION HANDOG NG PALECO PARA SA MGA MIYEMBRO NITO AT KANILANG PAMILYA
Bilang parte ng Social Development Plan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) para sa taong 2023, linggo-linggong magkakaroon ng libreng konsultasyon para sa mga miyembro ng Kooperatiba at kanilang pamilya simula sa darating na ika-17 at ika-18 ng Agosto, araw ng Huwebes at Biyernes, na gagawin sa PALECO Main Office mula 1:00 hanggang 3:00 ng hapon.
Unang sampung pasyenteng makakapagpalista ang tatanggapin sa bawat araw na nabanggit. Ang araw ng Huwebes ay para sa ENT cases at pediatric cases naman tuwing araw ng Biyernes.
Samantala, tuwing araw ng Miyerkules naman simula ika-23 ng Agosto ay tatanggap naman ng OBGYN cases ang PALECO.
Bukas ito sa mga miyembro ng PALECO o iyong nakapangalan sa kanilang koneksyon ng kuryente at maging sa kanilang asawa at anak. Kung single naman ang mismong miyembro, bukas ito para sa kaniyang mga magulang. Magdala lamang ng katunayan tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate at valid government ID.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pakikipag tulungan ng PALECO sa Palawan Medical Society.