Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

DISASTER PREPAREDNESS ORIENTATION

Kasalukuyang nagsasagawa ng Disaster Preparedness Orientation ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Munisipyo ng Narra sa Brgy. Poblacion ng nasabing Munisipyo.

Humigit-kumulang 50 Member-Consumer-Owners (MCOs) ang dumalo sa nasabing gawain kasama si Bb. Lenore Teresa A. Asuero, PALECO BOD mula sa District VI (Munisipyo ng Narra). Sina G. Raymund M. dela Rosa, MGDH-1 at G. Alvin Jan R. Duran, EMT-B mula sa MDRRMO-Narra naman ang magsisilbing tagapagsalita.

Lubos ang pasasalamat ng Pamunuan ng Kooperatiba sa Pamunuan ng Brgy. Poblacion, Narra para sa kanilang pagpapahiram ng venue at sa kanilang tulong upang maisakatuparan ang nasabing orientation.

Samantala, nakatakda ring magdaos ng parehong gawain sa Brgy. Langogan, Lungsod ng Puerto Princesa ngayong araw subalit napagdesisyunan ng mga Barangay Officials nito na ipagpaliban na muna dahil sa sama ng panahon.

Magdadaos naman ng parehong gawain bukas sa Brgy. I, Roxas ang Kooperatiba.

Ang nasabing gawain ay kaugnay sa naaprubahang Social Development Plan ng Kooperatiba noong ika-41 Annual General Assembly Meeting (AGAM) na idinaos noong ika-20 ng Mayo.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com