"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
SITWASYON NG SUPLAY NG KURYENTE SA MUNISIPYO NG EL NIDO, PALAWAN
Kasalukuyang sitwasyon ng suplay ng kuryente sa Munisipyo ng El Nido, Palawan
Bilang pagtugon sa mga sunod-sunod nna pagkawala ng daloy ng kuryente sa Munisipyo ng El Nido bunsod ng kakulangan ng suplay sa naitalang 6.4 MW na peak demand para sa buwan ng Abril 2023, ang masigasig na pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), sa pangunguna ng General manager nito na si Engr. Rez L. Contrivida, PEE ay nagsagawa ng mga agarang solusyon.
Una na rito ay ang kanyang pagsusumikap na madagdagan ang total supply capacity sa pamamagitan ng pagtatayo ng bagong rental unit noong ika-26 hanggang ika-27 ng Mayo na mula sa Aggreko. Ito ay nagresulta ng malaking dagdag na total supply capacity na mula sa 4.49 MW ng National Power Corporation Diesel Power Plant (NPC-DPP) na naging 8.85 MW na sa kasalukuyan.
Sa karagdagan, sa patuloy na pagnanais na masiguro ang maasahang daloy ng kuryente sa ipinagmamalaking tourist spot n gating lalawigan at matugunan ang mahigpit na kahilingan ng business sector na siyang labis na naapektuhan, si GM Rez Contrivida at nakipag ugnayan sa mismong Administrator ng National Electrification Administration (NEA) na si Atty. Antonio Mariano Almeda tungkol sa usaping ito. Ang hakbang na ito ay nag resulta sa pagpapadala sa nasabing munisipyo ng karagdagang makina na maaaring mag suplay ng 1-2 MW na inaaasahang dumating sa ikalawang linggo ng Hunyo.