"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
NGAYONG ARAW NA ANG ATING IKA-41 ANNUAL GENERAL ASSEMBLY MEETING (AGAM)!
Kamay-ari!
Ngayong araw na ang ating ika-41 Annual General Assembly Meeting (AGAM)!
Ito ay gaganapin sa mga sumusunod sa lugar:
Lungsod ng Puerto Princesa – Palawan National School Gymnasium
Munisipyo ng Roxas – Roxas Municipal Gymnasium
Munisipyo ng Narra – Narra Munisipal Gymnasium
Maaari ring dumalo online sa pamamagitan ng Facebook Live.
Magsisimula ang registration ng alas syete ng umaga (7:00 AM) samantalang ala una ng hapon (1:00 PM) naman ang simula ng pormal na pagpupulong.
Upang makaiwas sa dami ng taong magpaparehistro, maaari rin mag pre-register sa pinaka malapit na opisina ng PALECO o kaya nama’y mag log in sa ating MCO Portal (tinyurl.com/mcoportal) upang makapagparehistro online.