Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

SWITCH-ON CEREMONY IDINAOS SA BRGY. TANATANAON, DUMARAN NOONG IKA-16 NG MAYO

Pormal ng napailawan ng PALECO ang Brgy. Tanatanaon sa Munisipyo ng Dumaran noong ika-16 ng Mayo taong kasalukuyan sa isinagawang Switch-On Ceremony sa Barangay Gymnasium ng nasabing barangay. Ito ay sa naisakatuparan sa pagtutulungan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) – Area North Operations Department (ANOD) at ng Local Government Unit (LGU) ng Munisipyo ng Dumaran.
 
Inisyal na napailawan ang may 4 na kabahayan sa humigit kumulang 397 na potential consumer sa lugar.
 
Ang line extension sa Brgy. Tanatanaon ay pinondohan ng lokal ng pamahalaan ng Dumaran.
Dinaluhan ang switch on ceremony nina Punong Barangay Allen Samson, Bb. Erma M. Estoce na siyang kinatawan ni Vice Mayor Arnel Caabay, Mayor Richard Herrera, Congressman Edgardo “Egay” Salvame na kinatawan ng kanyang Chief of Staff na si G. Ken Palay, PALECO-Area North Operations Department Manager Engr. Renato Briones, Jr., PALECO Board of Directors (BOD) Chairperson Maylene Ballares, Vice Chairperson Liza Angela Jaranilla at District XI Director Ferdinand Garcellano.
 
Samantala, lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Brgy. Tanatanaon na nasabing proyekto.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com