
"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PAMUNUAN NG NUVELCO BINISITA ANG PALECO NGAYONG ARAW
Masayang sinalubong at tinanggap ng mga kawani ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa pangunguna ni Engr. Ricardo Adajao, Area Central Operations Department Manager at Officer-in-Charge ng Kooperatiba, ang pamunuan ng Nueva Viscaya Electric Cooperative (NUVELCO) sa pangunguna ni General Manager Fredel Salvador at mga Board of Directors nito sa pangungunan naman ni Chairman Dominador Lapada ngayong araw, ika-31 ng Marso.
Naunang bumisita ang pamunuan ng Kooperatiba sa NUVELCO noong Disyembre ng taong 2022 kung saan nakapag uwi ang mga ito ng best practices na layuning maipatupad din sa PALECO upang mas mapaganda ang serbisyong ibinigay sa mga MCOs.
Sa isang maliit na programang idinaos para sa nasabing pagbisita, ipinarating ni GM Salvador at ng mga miyembro ng Board of Directors ng NUVELCO ang kanilang pasasalamat sa mainit na pag tanggap ng PALECO sa kanila.
Ani naman ni Engr. Rogelio Baylon, Jr., ang Technical Services Department Manager ng PALECO, nawa’y maging produktibo ang pagbisita ng NUVELCO at manatili ang maganda ang samahan ng dalawang electric cooperative.