Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

MEAT PROCESSING LIVELIHOOD PROGRAM FOR DISTRICT I

Dalawampu’t limang (25) Member-Consumer-Owners (MCOs) mula sa District I (Poblacion Barangay ng Puerto Princesa City) ang nakapagtapos sa isinagawang Livelihood Program – Meat Processing NC II Course ng PALECO katuwang ang TESDA kahapon, ika-22 ng Pebrero, sa PALECO Covered Gymnasium, PALECO Compound.
 
Inihain ng mga partisipante ang kanilang mga nagawang longganisa at tocino sa isinagawang food tasting bilang bahagi ng idinaos na graduation ceremony. Nanguna sa pamamahagi ng certificate mula sa TESDA sina Provincial Director Vivian E. Abueva, Institutional Services Department (ISD) Manager Napoleon M. Cortes, Jr. at District I Director Maylene D. Ballares. Samantala, pinagkalooban naman ng Kooperatiba ng Certificate of Appreciation si Bb. Crigela C. Puyawan na siyang nagsilbing pangunahing tagapagsanay ng nasabing gawain.
 
Layunin ng pagsasagawa ng livelihood training na ito na mabigyan ng kaalaman at oportunidad ang mga MCOs na dumalo upang maiangat ang kanilang buhay.
 
Magpapatuloy ang pagsasakatuparan ng mga livelihood training program na katulad nito sa lahat ng Distrito ng PALECO sa mga susunod na buwan.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com