"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
NAIHALAL BILANG BAGONG MYEMBRO NG BOARD OF DIRECTORS NG PALECO PARA SA DISTRICT III SI G. JUANCHO M. BELGADO
Naihalal bilang bagong myembro ng Board of Directors ng PALECO para sa District III si G. Juancho M. Belgado.
Ang District III ay binubuo ng Northern Barangays ng Puerto Princesa City o Barangays Tagburos, Sta. Lourdes, Bacungan, Sta. Cruz, Salvacion, Bahile, Macarascas, Buenavista, Manalo, Maruyugon, Lucbuan, Maoyon, Babuyan, San Rafael, Tanabag, Concepcion, Binduyan at Langogan.
Bagaman ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code na sa kasong iisa ang nag qualify bilang kandidato, sapat na ang isang boto upang maideklara itong panalo, nakakuha pa rin ng 47 boto si G. Belgado.
Idinaos ang eleksyon sa Barangay Hall ng Brgy. Tagburos, Lungsod ng Puerto Princesa mula kaninang 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Nagsilbing Chairman ng District Election Committee (DECOM) si G. Isagani G. Palmes samantalang nagsilbing Secretary naman si G. Quirino P. Olbes, II at Member si G. Eduardo S. Laguardia.