Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

POWER SUPPLY AGREEMENT (PSA) SA PAGITAN NG PALECO AT SI POWER CORPORATION (SIPCOR) NILAGDAAN KAHAPON, IKA-23 NG ENERO, SA APEC CONFERENCE ROOM, PALECO MAIN OFFICE

Sa pangunguna ni PALECO Board of Director (BOD) Chairperson Moises R. Arzaga, Jr. at nina G. Jose Rommel C. Orillaza, presidente ng SIPCOR at Bb. Maryknoll B. Zamora, Treasurer/Chief Finance Officer/Controller ng SIPCOR, nilagdaan kahapon ng ika-23 ng Enero, sa APEC Conference Room sa PALECO Main Office ang isang Power Supply Agreement (PSA) sa pagitan ng Kooperatiba at SIPCOR na may 15 taong contract-period.
 
Alinsunod sa nasabing PSA, madadagdagan ng 20 megawatts (MW) ang supply ng power na magagamit sa Palawan Main Grid. Dagdag pa rito, parehong conventional at renewable energy technology (solar) ang gagamitin ng SIPCOR upang mapunan ang napagkasunduang supply na ibibigay nila sa Kooperatiba.
 
Nagsilbing saksi sa nasabing signing ceremony sina Engr. Rez L. Contrivida ang General Manager ng Kooperatiba, BB. Liza Angela M. Jaranilla, Vice Chairperson ng PALECO BOD at Atty. Julius Concepcion, Legal Counsel para sa PSA signing ng PALECO
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com