Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

SITWASYON NG SUPLAY NG KURYENTE SA MGA BAYANG APEKTADO NG LOW PRESSURE AREA

Nitong nakalipas na ika-4 ng Enero, lubos na naapektuhan ng Low Pressure Area (LPA) ang mga bayan ng Brooke’s Point, Sofronio Española at Bataraza sa gawing timog ng Lalawigan ng Palawan na naging dahilan ng malawakang pagkawala ng daloy ng kuryente. Sa kaparehong araw, bigong maibalik ng mga kawani ng PALECO ang serbisyo elektrisidad sa mga nasabing lugar sapagkat hindi madaanan ang mga kalsada dulot ng matinding pagbaha.
 
Umaga ng ika-5 ng Enero, agad na nagsagawa ng initial assessment ang bawat sektor ng pagpapailaw; ang Area South Operations Department (ASOD) ng PALECO sa mga kalagayan ng mga poste at linya ng kuryente, and National Power Corporation (NPC) para sa kanilang transmission line at substation at ganun din ang DMCI Power Corporation (DPC) para sa kanilang planta.
 
Agaran namang ipinatupad ang Emergency Response Plan (ERP) ng PALECO at pulungin ang Emergency Response Organization (ERO). Matapos ang pagpupulong ay agad ding nagtungo si Emergency Restoration Commander/General Manager Rez L. Contrivida sa mga apektadong lugar kasunod ang Task Force na binubuo ng labing-walong (18) linemen mula sa Area Central Operations Department (ACOD) na tutulong upang maibalik ng mabilis at ligtas ang daloy ng kuryente.
 
Bilang tugon sa isinagawang initial assessment at paghupa na rin ng baha sa NPC substation, unang napailawan ang mga kabayahan na konektado sa Palawan Grid o kuryenteng dumadaan sa NPC 69 kV Transmission Line. Ito din ang mga kabahayan na ang suplay ng kuryente ay kontektado sa backbone distribution line ng PALECO o iyong nasa tabi ng National Highway. Ang mga apektadong sitio at barangay na papasok o nasa looban naman ay binigyang prioridad na maisaayos ang mga natumbang poste at tanggalin ang mga obstruction sa linya ng PALECO upang masiguro ang ligtas na pagpapabalik ng kuryente.
 
Samantala, upang mapailawan naman ang mga lugar na nanggagaling ang suplay ng kuryente mula sa planta ng DPC, ay kinailangan munang pahupain ang baha sa nasabing planta sapagkat nalubog sa tubig ang mga kawad ng kuryente.
 
Noong ika-6 ng Enero, sa pagsisikap ng mga linemen ng PALECO, ng pamunuan nito maging mga nga kawani ng NAPOCOR at DMCI, at sa paghupa ng baha sa planta ng DMCI, naibalik na ang kuryente sa mga sumusunod na barangay o sitio tatlong (3) araw na mas maaga sa inisyal na target date ng mga ito:
1. Mainit
2. Imulnod
3. Tamlang, Saraza
4. Amas
5. Escorta, Pangobilian
6. Globe Samariniana
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com