Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

BOARD OF DIRECTORS ELECTION NG DISTRICT VI

Kamay-ari!
 
Sa December 10 na ang eleksyon para sa Board of Directors ng District VI na binubuo ng Munisipyo ng Narra.
 
Mayroon lamang isang qualified candidate sa katauhan ni Bb. Lenore Teresa A. Asuero.
Ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code, sa kaso na tanging iisa ang nag-qualify bilang kandidato, isang boto lamang ang kanyang kinakailangan upang maideklara siyang panalo.
 
Subalit, inaanyayahan pa rin ang lahat ng miyembro ng ating Kooperatiba mula sa District VI na bumoto.
 
Gaganapin ang eleksyon sa isang presinto lamang at ito ay sa Brgy. Poblacion, Narra mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.
 
Paalala lamang na hindi pinapayagan ang proxy voting at magdala ng isang (1) valid ID.
Magkita-kita po tayo sa December 10!
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com