Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PALECO KABILANG SA MGA NAGBIGAY PRESENTASYON SA GINANAP NA 2022 DAGYAW - OPEN GOVERNMENT TOWN HALL MEETING PARA SA REHIYONG MIMAROPA O TARABIDAN SA PALAWAN NOONG IKA-29 NG NOBYEMRE SA PUERTO PRINCESA CITY COLISEUM

Kabilang sa mga inanyayahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) na magbigay presentasyon sa ginanap na 2022 Dagyaw MIMAROPA – Open Government Town Hall Meeting noong ika-29 ng Nobyembre sa Puerto Princesa City Coliseum.
 
Ayon sa DBM, ang pangunahing layunin ng Dagyaw ay ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang “open, neutral and protected space for dialogue on national and local issues among government and non-government stakeholders.”
 
Ang pangkabuuang tema ng 2022 Dagyaw ay “Fostering Multi-Sectoral Convergence through Social Accountability” samantalang sa rehiyong MIMAROPA, ang pangunahing usapin na nais bigyang diin ay “Usapang Enerhiya: Brownout at ang Potensyal na Benepisyo ng Renewable Energy.” Ito ay kaugnay ng ika-pitong Sustainable Development Goals (SGDs) na naglalayong masigurong magkaroon ng “affordable, reliable, sustainable and modern energy” ang lahat.
 
Pinangunahan ni DILG-MIMAROPA Assistant Regional Director Rey Maranan, CESO V ang nasabing kaganapan na tinawag ding Tarabidan sa Palawan.
 
Nagsilbing tagapagsalita si Engr. Rogelio Baylon, Jr., Manager ng Technical Services Department (TSD) ng Kooperatiba, sa nasabing gawain. Kabilang sa kanyang i-prinesenta ang Power System Model ng Palawan Grid, ang iba’t-ibang dahilan ng pagkawala ng kuryente, short at long term solutions kaugnay sa mga dahilang ito at renewable energy projects ng Kooperatiba.
 
Ilan sa mga renewable energy projects ng PALECO na tinalakay ni Engr. Baylon ay ang katatapos lamang na pagpili sa SI Power Corporation (SIPCOR) upang mag supply 20MW power na magmumula sa parehong conventional at solar energy, pag anyaya sa mga nais mag participate sa Competitive Selection Process (CSP) para sa pag supply ng kuryente sa franchise area ng PALECO na gumamit ng renewable energy, partikular na sa Munisipyo ng El Nido, at iba pa.
 
Kabilang sa mga nag silbing speaker sa 2022 Dagyaw sina Engr. Isak Jonathan Villanueva, OIC-Renewable Energy Development Division ng National Electrification Administration (NEA) at Engr. Larry Sabelina, Vice Presidnt, Small Power Utilities Group (SPUG) ng National Power Corporation (NAPOCOR).
 
Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga dumalo na makapagtanong sa mga naimbitahang tagapagsalita ukol sa mga usaping may kinalaman sa pag gamit ng renewable energy at power situation sa lalawigan ng Palawan
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com