Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

DEPARTMENT HEADS NG PALECO BUMISITA SA MUNISIPYO NG BROOKE’S POINT UPANG I-MONITOR ANG OPERASYON UKOL SA MALAWAKANG PAMUMUTOL

Binisita ng mga Department Manager na sina Neriza S. Regal ng Institutional Services Department (ISD) Engr. Rogelio G. Baylon, Jr. ng Technical Services Department (TSD) at Melissa D. Fancubila ng Internal Audit Department (IAD) kasama ang ibang pang kawani ng Kooperatiba ang Munisipyo ng Brooke’s Point upang i-monitor ang tuloy-tuloy na operasyon ukol sa malawakang pamumutol ng kuryente sa nasabing munisipyo at maging sa Munisipyo ng Sofronio Espanola at Bataraza kahapon, ika-28 ng Nobyembre.
Β 
Naging daan ang ginawang pagbisita upang madinig ng pamunuan ng Kooperatiba ang mga hinaing, suhestyon at sagutin ang mga tanong ng mga myembro mula sa munisipyo ng Brooke’s Point.
Β 
Nagkaroon din ng pagpupulong ang mga Department Manager mula sa PALECO Main Office kasama ang Area South Operations Department (ASOD) Manager na si G. Napoleon M. Cortes, Jr., ang binuong Task Force para sa nasabing gawain, mga kawani ng PALECO mula sa Brooke’s Point Satellite Office at si Dir. Nila G. Momo, ang miyembro ng PALECO Board of Directors ng District VII na binubuo ng Munisipyo ng Brooke’s Point, Sofronio Espanola, Bataraza at Balabac, kung saan tinalakay ang mga hakbang na maaari pang gawin upang mas mapadali ang pagbabayad at iba pang serbisyong ibinibigay sa mga miyembro ng Kooperatiba.
Β 
Binisita rin ng mga nasabing Department Managers at ni Dir. Momo si Hon. Cesario Benedito, Jr., ang mayor ng Munisipyo ng Brooke’s Point, kung saan napagusapan ang ginagawang operasyon at ang mga nakalatag na proyekto na may kinalaman sa pagpapailaw sa mga sitio sa kanilang munisipyo.
Β 
Samantala, isa sa mga gagawing hakbang upang mapadali ang pagbabayad ng buwanang bayarin ng mga myembro ng Kooperatiba mula sa munisipyo ng Sofronio Espanola at Bataraza ang pagkakaroon ng mobile collection sa First Consolidated Bank (FCB) mula ika-5 hanggang ika-9 ng Disyembre mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com