"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
POSTING NG NOTICE OF ELECTION AT INITIAL MASTER LIST OF VOTERS PARA SA DISTRICT IX ISINAGAWA NOONG IKA-22 HANGGANG IKA-23 NG NOBYEMBRE
Kaugnay sa muling itinakdang eleksyon para sa Board of Directors ng PALECO sa District IX (Munisipyo ng Quezon at Rizal) sa ika-17 ng Disyembre, nagtungo ang mga kawani ng PALECO sa mga barangay na sakop ng nasabing distrito upang ipaskil ang Notice of Election at Initial Master list of Voters noong ika-22 hanggang ika-23 ng Nobyembre.
Makikita sa Notice of Election ang mga kwalipikasyon at importanteng mga petsa na dapat tandaan ng mga interesadong tumakbo bilang miyembro ng PALECO Board of Directors. Samantala, makikita naman sa Initial Master List of voters ang mga maaaring bumoto sa nasabing District Election.
Ang inclusion at exlusion period ng mga nais bumoto sa darating na ika-17 ng Disyembre ay mula ika-27 ng Nobyembre hanggang ika-7 ng Disyembre.
Kung kayo po ay miyembro sa District IX at wala ang inyong pangalan agad pong magtungo sa opisina ng PALECO sa Quezon o tumawag sa 0909 871 9915.
Makikita rin ang Initial Masterlist sa PALECO Quezon Satellite Office, sa kani-kaniyang Munisipyo, sa official website ng PALECO sa www.paleco.net, sa official Facebook page ng Quezon Satellite Office at PALECO main na https://www.facebook.com/palawanelectriccoop