"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
BAGONG GENERAL MANAGER NG PALECO NA SI ENGR. REZ L. CONTRIVIDA, PEE NAG SAGAWA NG INSPECTION SA ITINATAYONG 5MVA SUBSTATION SA BRGY. LUCBUAN KAHAPON, IKA-23 NG NOBYEMBRE
Nagsagawa ng inspection bago ang final acceptance sa itinatayong 5MVA Substation sa Brgy. Lucbuan, Puerto Princesa City si Engr. Rez L. Contriva, bagong General Manager ng PALECO, kasama ang ilang kawani mula sa Technical Services Department (TSD) at Internal Audit Department (IAD) ng Kooperatiba kahapon, ika-23 ng Nobyembre.
Hinahangad na magiging operational ang nasabing substation sa lalong madaling panahon upang mapaganda ang power quality at power reliability sa mga Northern Barangays ng Lungsod ng Puerto Princesa partikular na ang mga barangay mula Lucbuan hanggang Langogan.
Kasama sa isinagawang inspection ang isang representative mula sa Cepalco Energy Services (CESCO) na siyang contractor para sa nasabing proyekto.