"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
LIVELIHOOD TRAINING PROGRAM - VEGETABLES AND FRUITS PROCESSING ISINAGAWA SA WPU-ABORLAN PARA SA MGA MCO MULA SA DISTRICT V NOONG IKA-26 NG OKTUBRE
Nagsagawa ng Livelihood Training Program on Vegetables and Fruits Processing- ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa pamamagitan ng Member Services Division – Institutional Services Department (MSD-ISD) katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga Member-Consumer-Owner (MCO) mula sa District V (Munisipyo ng Aborlan at Brgy. Inagawan at Brgy. Kamuning ng Lungsod ng Puerto Princesa) noong ika-26 ng Oktubre sa Western Philippines University (WPU) – Aborlan Campus.
Ang sampung (10) benipersyaryo ng programang ito ay napili sapagkat sila’y nakapagsumite ng mga kinakailangan ayon sa guidelines ng PALECO at DTI tulad ng pagiging miyembro ng Kooperatiba at pagkakaroon ng Business Permit.
Nagsilbing tagapag salita sina Ms.Ricca Ritchie Ponce de Leon Jagmis at Ms. Maria Frances Sitcharon, kapwa Food Processing Instructor mula sa WPU-Aborlan. Kabilang sa kanilang itinuro ang paggawa ng malunggay pandesal, squash noodles, atsarang papaya, mango marmalade, squash jam at mango jam.
Maliban sa pagsasanay, pinagkalooban din ang mga partisipante ng mga livelihood kit na may halagang limang libong piso mula sa DTI.
Ang isinagawang Livelihood Training ay isa sa programa ng PALECO para sa mga MCO na may layuning maiangat ang kanilang pamumuhay. Ito ay isinakatuparan rin sa pakikipagtulungan kay District V Director Efren B. Abejo.
Ang gawain ay kabilang sa mga inihandang programa ng Kooperatiba kaugnay sa selebrasyon ng Cooperative Month para sa taong ito na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Oktubre at may temang “KooPinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-Samang Pag-unlad!”