"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
INFORMATIONAL MEETING ISINAGAWA SA BRGY. DUMANGUENA, NARRA, PALAWAN KAHAPON, IKA-20 NG OKTUBRE
Nagsagawa ng Informational Meeting ang Member Services Division – Institutional Services Department ng PALECO kasama ang mga miyembro ng Kooperatiba sa Brgy. Dumanguena, Narra, Palawan kahapon, ika-20 ng Oktubre sa kanilang Barangay Covered Court.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng humigit-kumulang 30 miyembro mula sa nasabing barangay kabilang ang mga opisyales ng kanilang Barangay Member-Consumer-Owner Organization at Barangay Officials.
Layunin ng isinagawang pagpupulong na maihatid sa mga miyembro ang mahahalagang impormasyon patungkol sa operasyon ng Kooperatiba, mga programa at mga polisiyang ipinatutupad.
Nagkaroon din ng open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga dumalo na makapag tanong at maibigay ang kanilang mga saloobin patungkol sa iba’t ibang usapin.
Kabilang sa mga napag usapan ang mga dahilan ng blackout, Change of Name/Ownership at Revised Policy 6-14 o ang polisiya ng Kooperatiba ukol sa mga gawaing may kinalaman sa pagnanakaw ng kuryente at marami pang iba.
Lubos ang pagpapasalamat ng PALECO kay Punong Barangay Edgar Domingo, Sr. ng Brgy. Dumanguena, sa kanilang mga Barangay Officials at lalo’t higit sa mga dumalong kamay-ari.