Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PABATID: LOAD SHEDDING SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA

Nagpapatupad ng load shedding sa lungsod ng Puerto Princesa ang PALECO dahil sa corrective maintenance ng mga makina ng PPGI. Nagsimula ang load shedding noong ika-30 ng Agosto nang masira ang dalawa sa mga makina ng PPGI (DG2 at DG3). Samantala mula ika-31 ng Agosto ay nagsasagawa pa rin ng corrective maintenance ang PPGI sa isa nilang makina (DG2).
 
Ang load shedding ay isinasagawa nang tag dalawang oras sa mga recloser dito sa lungsod at sa mga Munisipyo.
 
Kaugnay nito, pinulong kahapon ika 1 ng Setyembre ng pamunuan ng PALECO ang mga power providers na kinabibilangan ng PPGI. DMCI, DELTA P at National Power Corporation upang pag usapan ang maaaring maging solusyon dito.
Inaasahang maibabalik ang tuloy tuloy na supply ng kuryente sa oras na maayos ang makina ng PPGI.
 
Samantala, nasa proseso na rin ang pagkakaroon ng karagdagan supply ng kuryente mula sa ibang power providers.
 
Humihingi po kami ng paumanhin at patuloy na pang unawa sa lahat ng naapektuhan.
Makikita ang update patungkol sa mga power interruption dito sa ating official Facebook Page o sa pamamagitan ng ating Text Blast.
Para sa katanungan, service request at iba pang concern maaari po kayong tumawag sa mga sumusunod na numero 433-2001, 09175532836, 099899378.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com