Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PALECO TASK FORCE SA QUEZON SATELLITE OFFICE

Sa layunin ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) na makapag bigay ng kalidad na serbisyo sa kanyang mga Member-Consumer, bumuo ito ng PALECO TASK FORCE na aalalay sa operasyon ng mga Area Offices nito. Ito ay ay binubuo ng mga lineman mula sa Technical Services Department at mga office personnel mula sa Main Office.
 
Simula Agosto 8 hanggang 21 ay nasa Quezon Satellite Office ang Task Force upang magpalit ng mga linya mula bare to insulated sa mga mapupuno na lugar at magsagawa ng malawakang paglilinis ng linya o massive clearing. Ang mga nasabing gawain ay upang mabawasan ang biglaang pagkawala ng kuryente dahil sa line fault na dulot ng mga sumampay na kawayan, mga sanga ng punongkahoy , palapa ng niyog sa ating linya, at iba pang vegetation disturbances.
 
Ayon kay Mr. Eldren Talimbay, designated team leader ng Task Force, sa unang araw ng grupo sa Quezon ay nakapagpalit na sila ng 400 meters na bare to tree wire insulated sa Sitio Balintang Pier, Bgy. Isugod.
 
Ang gawain ay isasagawa sa mga sumusunod na lugar.
 Brgy. Aramaywan, Quezon
 Brgy. Tagusao, Quezon
 Brgy. Isugod, Quezon
 Mula Sitio Underground 1& 2, Brgy. Panitian, Quezon
 Brgy. Tabon, Quezon
 Sitio Tapsan to Proper, Brgy. Panitian, Quezon
 Brgy. Maasin, Quezon
 Brgy. Malatgao hanggang Brgy.Sowangan
 Brgy. Tabon, Quezon hanggan Brgy. Maasin
 Brgy. Punta Baja, Rizal
 Brgy. Pinaglabanan hanggang Underground, Quezon
 
Humihingi ng pang-unawa at paumanhin ang pamunuan ng PALECO sa maaaring maapektuhan ng scheduled power interruptions sa susunod na mga araw para mabigyang-daan ang mga nasabing gawain. Para sa mga scheduled interruption dahil dito, maaaring makita ito sa official page ng Quezon Satellite Office sa www.facebook.com/PALECO-Quezon-Satellite-Office.
 
Maaalala na una nang nagtungo ang Task Force PALECO sa Brooke’s Point Satellite Office (na binubuo ng Sofronio Espanola, Brooke’s Point, Bataraza at Balabac) noong Hulyo 11-29 para alalayan rin ang operasyon nito.
 
Magpapatuloy ang ganitong mga gawain sa iba pang mga Satellite Offices sa mga susunod na buwan.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com