Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

42ND ANNUAL GENERAL MEMBERSHIP ASSEMBLY (AGMA) - NOVEMBER 16, 2024

Kamay-ari!

Ang ating 42nd Annual General Membership Assembly (AGMA) ay nakatakdang ganapin sa November 16. Sabayan itong idaraos sa
Edwards S. Hagedorn Coliseum sa Lungsod ng Puerto Princesa, Narra Municipal Gymnasium, Brooke’s Point National High School sa munisipyo ng Brooke’s Point, Roxas Municipal Gymnasium at Cuyo Municipal Gymnasium. Maaari ring dumalo online. Antabayanan sa mga opisyal na Facebook page ng Paleco ang step-by-step instruction kung papaano makakapagparehistro.

Nakatakdang pagusapan sa nasabing pagpupulong ang mga sumusunod:

1. Pagdeklara ng dividend at patronage refund para sa net surplus ng Kooperatiba sa taong 2023;
2. Presentasyon ng Accomplishment Report ng Social Development Plan para sa taong 2023 at presentasyon ng Social Development Plan para sa 2024 hanggang 2026;
3. Presentasyon ng mga plano at proyekto ng Paleco para sa mga susunod na taon;
4. Presentasyon ng Cash Operating Budget (COB) ng Paleco para sa taong 2024 at 2025;
5. Presentasyon ng status ng amendments ng Articles of Cooperation and By-Laws ng Kooperatiba;
6. Proklamasyon at panunumpa ng mga bagong halal na miyembro ng Election at Audit Committee ng Kooperatiba;
7. Iba pang Mapagkakasunduang Pag-uusapan (Other Matters);
8. Malayang Talakayan (Open Forum)

Sa araw mismo ng pagpupulong, sa ganap na ika-pito ng umaga (7:00 AM) magsisimula ang registration sa mga venue at ang pormal na programa ay mag-uumpisa sa ganap na ala-una ng hapon (1:00 PM).

Samantala, magsasagawa ng halalan para sa mga nais maging miyembro ng Election at Audit Committee ng Kooperatiba kasabay ng registration.

Ang bawat miyembro na dadalo (face-to-face at online) ay bibigyan ng ₱300.00 na insentibo subalit tanging ang mga dadalo ng face-to-face lamang ang magkakaroon ng pagkakataong manalo sa gagawing raffle draw.

Magkita-kita po tayo sa November 16!

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com