"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
Dalawampu’t limang (25) Member-Consumer-Owners (MCOs) mula sa District IV (Southern Barangays of Puerto Princesa City) ang nakapagtapos sa isinagawang Livelihood Program - Smoke Fish Processing ng PALECO katuwang ang TESDA ngayong araw, ika-30 ng Mayo, sa Barangay Gymnasium ng Brgy. Mangingisda.
Inihain ng mga partisipante ang kanilang mga nagawang tinapang bangus sa isinagawang food tasting bilang bahagi ng idinaos na graduation ceremony.
Nagsilbing tagapagsanay si Bb. Crigela C. Puyawan sa nasabing gawain na idinaos sa loob ng dalawang araw mula kahapon, ika-29 ng Mayo.
Ang livelihood program ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ni District IV BOD Raul M. Timbancaya at ng bumubuo ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) ng nasabing distrito.
Layunin ng pagsasagawa ng livelihood training na ito na mabigyan ng kaalaman at oportunidad ang mga MCOs na dumalo upang maiangat ang kanilang buhay.
Magpapatuloy ang pagsasakatuparan ng mga livelihood training program na katulad nito sa lahat ng Distrito ng PALECO sa mga susunod na buwan.