ππππππ, πππππ βπππβ ππ!
Nakamit na ng Palawan Electric Cooperative o PALECO ang pinakamataas na antas ng performance rating para sa mga electric cooperative sa bansa β ang βAAAβ rating β alinsunod sa Memorandum No. 2023-21 ng National Electrification Administration (NEA) para sa overall performance nito noong 2025.
Β
Batay sa inilabas na Memorandum No. 2026-26 ng NEA hinggil sa 2025 Annual EC Overall Performance Assessment, kabilang ang PALECO sa 91 electric cooperative sa buong bansa (mula sa kabuuang 121 ECs) na ginawaran ng βAAAβ rating. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng Kooperatiba ang naturang pagkilala matapos makapagtala ng mataas na 97% point score.
Β
Ibinahagi ni Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng PALECO, ang magandang balita sa mga kawani ng Kooperatiba sa isinagawang flag ceremony noong Lunes, ika-25 ng Mayo. Buong pagmamalaki niyang binalikan ang pag-angat ng performance rating ng PALECO mula βAβ rating hanggang 2022, naging βAAβ noong 2023 at 2024, at ngayoβy opisyal nang βAAAβ.
Β
Pinasalamatan at kinilala ni Engr. Contrivida ang ambag ng bawat kawani sa tagumpay na ito. βKayo ang nakasama ko. Kaya na-attain natin ang βAAAβ,β ani niya. Nagpasalamat din siya sa suporta at tulong na ibinigay ng Interim Board of Directors ng Kooperatiba.
Β
Matatandaang nakamit din ng PALECO ang Green Classification para sa taong 2025 matapos nitong maabot ang pitong performance parameters at standards ng NEA alinsunod sa Memorandum No. 2024-21. Patunay ito ng patuloy na pagpapahusay ng serbisyo ng pamunuan at mga kawani ng Kooperatiba para sa kanilang mga member-consumer-owner (MCO).
Β
Sa isinagawang Annual EC Overall Performance Assessment (2025), masusing sinuri ang financial, institutional, at technical performance ng PALECO, gayundin ang antas ng electrification nito.
Β
Sa presentasyong isinagawa kasabay ng anunsyo, iprinisenta ni Engr. Rogelio G. Baylon, Jr., Manager ng Corporate Planning Department (CPD), kung paano nakamit ng PALECO ang 97% point score. Layunin nitong maipakita ang mga aspetong kinakailangang higit pang pagbutihin at ang mga programang dapat ipagpatuloy at mapanatili.
Β
Sa huli, binigyang-diin ni Engr. Contrivida na ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa Kooperatiba kundi para sa lahat ng MCO ng PALECO na patuloy na pinaglilingkuran nito.
Β
- Share to Facebook