Palawan Electric Cooperative

🔴🎥𝗣𝗮𝗻𝗼𝗼𝗿𝗶𝗻:
Sa kaniyang interpelasyon, binigyang-diin ni Deputy Minority Leader Sergio C. Dagooc ang mga polisiyang nagdaragdag ng mga rekisito at permit sa pagpapailaw ng mga kabahayan sa kanayunan — na nagdudulot ng dagdag na pasanin sa mga miyembro-konsumante at pagbagal ng elektripikasyon sa mga liblib na lugar.

Ayon kay DML Dagooc, marami pa rin sa mga Local Government Units (LGUs) ang nagpapataw ng mga permit at bayarin kahit sa mga proyektong hindi naman dapat saklaw nito. Aniya, nagiging balakid ito sa pagpapatupad ng Sitio Electrification Program na layong maabot ang mga pamilyang matagal nang walang kuryente.
 
Ipinanawagan ni DML Dagooc ang mas malinaw na patakaran at koordinasyon sa pagitan ng mga LGU, NEA, at mga electric cooperatives upang matiyak na mas mapabilis at mapagaan ang prosesong magdadala ng ilaw sa mga tahanan sa kanayunan.
 
 

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com