Palawan Electric Cooperative

𝐎𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐧𝐮𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐂𝐎 𝐮𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐮𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐄𝐏𝐒𝐀 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐢𝐭

Muling pumasok ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa isang Emergency Power Supply Agreement (EPSA) simula noong ika-27 ng Pebrero upang masiguro ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga lugar (Lungsod ng Puerto Princesa, Munisipyo ng Roxas, Taytay, mainland Dumaran, Aborlan, Narra, Brooke’s Point, Sofronio Española, Bataraza at Quezon) na konektado sa 69 kV transmission line ng National Power Corporation (NPC) na sinusuplayan ng mga Independent Power Provider (IPP) ng Kooperatiba tulad ng DMCI Power Corporation (DPC) at Delta P, Inc. (DPI).

Ang nasabing EPSA ay dumaan sa isang procurement process alinsunod sa DOE Department Circular No. DC2023-06-0021 (Prescribing the Policy of the Mandatory Conduct of the Competitive Selection Process by the Distribution Utilities for the Procurement of Power Supply for their Captive Market). Na-i-award ang nasabing EPSA para sa karagdagang 10 MW na supply ng power sa DPCI na may bisang isang (1) taon.

𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒌𝒊𝒏𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒖𝒎𝒂𝒔𝒐𝒌 𝒔𝒂 𝑬𝑷𝑺𝑨?

Sa kasalukuyan, may kabuuang 80 MW na supply para sa Palawan Main Grid. Binubuo ito ng isang (1) 25 MW at isang (1) 15 MW Power Supply Agreement (PSA) sa pagitan ng PALECO at DPC at isang (1) 40 MW na PSA sa pagitan ng PALECO at DPI.

Ayon sa forecasted demand para sa darating na panahon ng tag-init, maaaring umabot hanggang 78.95 MW ang demand para sa mga darating na buwan. Ibigsabihin, magiging manipis o tanging 1.5 MW ang matitirang reserve na supply para sa grid.

Liban pa rito, bilang pagsasaalang-alang na maaaring magkaroon ng biglaang sira ang isa o mga makina ng mga nasabing IPP, minabuti ng pamunuan ng PALECO na siguraduhing mayroong mga naka-stand by na mga makinang maaaring patakbuhin upang mapunan ang pagkukulang sa suplay ng kuryente para sa mga member-consumer-owner (MCO) ng Kooperatiba. Ito ang layunin ng pagkakaroon ng 10 MW EPSA sa pagitan ng PALECO at DPC.

𝑷𝒂𝒏𝒈𝒎𝒂𝒕𝒂𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒐𝒍𝒖𝒔𝒚𝒐𝒏

Samantala, batid ng pamunuan ng PALECO na ang nasabing EPSA ay panandalian lamang at mayroong epekto sa magiging power rate. Dahil dito, sa tulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, hinihimok ng PALECO ang SI Power Corporation (SIPCOR) na madaliin ang pagtatayo ng kanilang planta upang mapatupad sa lalong madaling panahon ang 20 MW PSA ng mga ito.

Sa isang pagpupulong na isinagawa noong ika-24 ng Pebrero sa pagitan ng PALECO, SIPCOR at Energy Regulatory Commission (ERC) nilinaw na alinsunod sa polisiya ng nasabing Komisyon, ang pagsisimula ng commercial operation ng isang power provider ay isang (1) taong mula sa pagbaba ng provisional authority ng ERC para sa conventional technology at karagdagang isang (1) taon para naman sa renewable energy technology. Sa kasalukuyan ay hindi pa nagbababa ang ERC ng provisional authority sa naka-file na 20 MW PSA sa pagitan ng PALECO at SIPCOR. Subalit, nilinaw din ng Komisyon na ang kanilang desisyon para sa pagbaba ng provisional authority ay mas napapabilis kapag ang planta ng isang power provider ay naitayo na at handa ng mag-suplay ng power.

𝑬𝒑𝒆𝒌𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒐𝒘𝒆𝒓 𝒓𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒑𝒆𝒌𝒕𝒂𝒅𝒐𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒈𝒂𝒓

Sinisiguro ng pamunuan ng PALECO na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa National Transmission Corporation (TransCo) na siyang nanagangasiwa ng system operation para sa Palawan Main Grid at maging sa DPC na gagamit ng mga estratehiya upang siguraduhing maliit lamang ang magiging dagdag sa power rate. Isa sa mga estratehiyang ito ay na sa panahon ng kakulangan lamang sa suplay patatakbuhin ang mga plantang nakapailalaim sa EPSA.

Sa huli, hinihiling ng pamunuan ng PALECO ang pakikiisa ng mga MCO nito. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtitipid, sama-sama nating masisigurong hindi magiging mabigat para sa lahat ang pasanin ng dagdag na singil dulot ng darating na panahon ng tag-init.

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com