Preventive Maintenance ng 69kV Transmission Line, Isasagawa ng NAPOCOR
Magsasagawa ng preventive maintenance ang National Power Corporation (NAPOCOR) ng 69 kV transmission line mula lungsod ng Puerto Princesa hanggang Munisipyo ng Brooke’s Point simula ngayong buwan ng Marso hanggang Abril.

Ito ay bilang paghahanda ng NAPOCOR upang masigurado na mayroong maayos at patuloy na daloy ng kuryente lalo na sa isasagawang National at Local Election.

Sa schedule ng NAPOCOR, buong buwan ng Marso isasailalim sa maintenance ang transmission line mula Malinao, Narra Substation papuntang Ipilan, Brooke’s Point Substation simula araw ng Lunes hanggang Sabado, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Sa mga panahong ito, mag-island mode ang DMCI Brooke’s Point , ibig sabihin hihiwalay ito sa grid at ito ang mag-susupply ng kuryente sa S. Espanola, Brooke’s Point at Bataraza. Para maiwasan ang interruption dahil sa pag island mode at resynchronization, magpapatuloy na naka island mode ang DMCI Brooke’s Point. Sakaling magka-problema ang mga makina nito sa mga oras na tapos na ang Maintenance na isasagawa ng NAPOCOR maaari itong mag synchronize sa grid.

Buwan ng Abril naman isasagawa ang maintenance ng transmission line mula Bgy. Irawan, Puerto Princesa hanggang Malinao, Narra Substation.


Posted: March 01, 2016
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017