TANGLAW SA KINABUKASAN - OUTREACH PROGRAM NG MCEC DISTRICT III


Nagsagawa ng outreach project ang PALECO Member Consumer Electrification Committee (MCEC) ng District III na tinawag na "Tanglaw sa Kinabukasan". Namigay ang mga ito kasama si District III Director Marietta S. Serratubias ng school supplies sa mga estudyante ng Iratag Elementary School noong Martes, June 28 taong kasalukuyan.

Ayon kay MCEC District III Chairman Dominick F. Fresnillo, minabuti umano nila na magsagawa ng outreach project na tulad nito para maipaalam sa mga kabataan na mahalaga sila. Isa umano ito sa mga Corporate Social Responsibility (CSR) program ng Kooperatiba. Pinaalalahanan nito ang mga estudyante na gamitin at pahalagahan ang mga school supplies na ipinagkaloob sa mga ito.

"Mag-aral ng mabuti at makinig sa magulang upang maabot ang ambisyon" ito naman ang iniwang mensahe ni Director Serratubias.

Ang gawain ay dinaluhan rin ni GM Ric B. Zambales, nagpasalamat ito sa bumubuo ng MCEC District III sa pagsasakatuparan ng gawain. Aniya, isa lamang ito sa mga CSR program ng PALECO. Sinabi rin nito na hindi ito ang una at huling pagpunta ng PALECO sa Iratag Elementary School, babalik ang PALECO para sa mga programa ng Kooperatiba na maaaring kapaki-pakinabang sa mga estudyante, mga magulang nito at mga guro.

Ang Iratag Elementary School ay binubuo ng may 97 mga estudyante mula Kinder hanggang Grade VI at may limang guro.

Lubos naman ang pasasalamat ni Gng. Imelda C. Tajolosa, Head Teacher ng Iratag Elementary School sa bumubuo ng MCEC District III at sa PALECO. Malaking bagay umano ang mga nasabing school supplies sa mga estudyante ng kanilang paaralan.

Ang District III ng PALECO ay mula Barangay ng Tiniguiban hanggang Bgy. Kamuning at Inagawan. Ang MCEC nito ay binubuo ng mga sumusunod:

Mr. Dominick F. Fresnillo - Chairman
Mr. Ronnie S. Dayata - Vice-Chairman
Ms. Yanika Eli Q. Serratubias - Secretary
Mr. Pedro O. Calamba - Member
Ms. Princess Joy Agoring - do -
Ms. Fe R. Cayabo - do -
Ms. Norma C. Corpuz - do -
Ms. Ruby G. Punsalan - do -
Mr. Renato A. Cagaid - do -








Posted: June 28, 2016
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017