Mga Bagong Halal na Board Directors nagsimula ng Manungkulan
Nagsimula ng manungkulan ang limang bagong halal na Board Directors ng ating Kooperatiba noong araw ng Huwebes, ika-8 ng Enero taong kasalukuyan matapos nilang manumpa kay Executive Judge Jose Bayani J. Usman ng RTC Branch 50.

Ang mga bagong halal na Directors ay sina Mr. Moises R. Arzaga Jr. ng District II (mula Bgy. San Pedro hanggang By. Langogan),Ms. Julieta C. Magbanua ng District IV ( Aborlan), Engr. Rodolfo D. Garceron ng District V (Narra), Mr. Rodantes C. Onda Sr ng District VI (Brooke's Point, Sofronio Espanola at Bataraza) at Mr. Jeffrey Y. Tan-Endriga ng District VIII (Quezon at Rizal).

Dumalo ang mga nabanggit na Board Directors sa unang Board Meeting ngayong taon noong araw ng Huwebes, kung saan nagsagawa ang mga ito ng botohan. Sa kasaluluyan ang Chairman of the Board ay si Atty. Raymund U. Acosta ng District IX at Vice-Chairman si Ms. Maylene D. Ballares ng District I.

Kaugnay nito, sumailalim din sa orientation ang mga bagong halal na Directors patungkol sa operasyon ng Kooperatiba noong Enero, 7, 2014.

Samantala, nanatiling bakante ang District VII (Cuyo, Magsaysay at Agutaya) dahil hindi naging kwalipikado ang nais kumandidato sa nasabing distrito. Kaugnay dito, tatlong eleksyon naman ang itatakda ngayong taon para sa District I, III at IX.


Posted: January 09, 2015
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017