Tatlong Pangdistritong Halalan ng PALECO, Nakatakda!
Nakatakda sa buwan ng Marso at Abril ang tatlong pandistritong halalan ng PALECO. Ito ay para sa mga sumusunod na distrito.

    District No.Coverage AreaDeadline for filing of COC/inclusion in the MasterlistDate Election
    IPuerto Princesa Poblacion Bgys at Bayan ng CagayancilloMarch 10March 21
    IIIPuerto Princesa City Southern BgysMarch 17March 28
    IXRoxas, Taytay, San Vicente, El Nido at AraceliMarch 31April 11


Ang mga maaaring makaboto at maging kandidato ay ang mga naging miyembro ng Kooperatiba hanggang November 30, 2014. Para sa mga qualification na dapat taglayin ng mga nais kumandidato maaari itong makita sa website ng PALECO, www.paleco.net at facebook fan page www.facebook/palawanelectriccoop. Maaari ring madownload dito ang certificate of candidacy (COC) at makita ang checklist ng mga dapat na isumiteng papeles. Gayundin ang masterlist of voters para sa nasabing distrito.

Nakapagpaskil na ang mga kawani ng PALECO sa Baywalk, Old Public Market, Capitol at mga opisina ng PALECO sa Distrito I ng pabatid patungkol sa gagawing eleksyon gayundin ang masterlist ng mga miyembro na maaaring bumoto. Sakaling, may mga miyembro na wala ang pangalan sa nasabing listahan, maaaring magtungo lamang sa opisina ng PALECO. Samantala, magpapaskil na rin ng pabatid at master list of voters sa District III at IX sa susunod na mga araw.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol dito, maaari pong tumawag sa 433-2001 o magtungo sa PALECO main office, Bgy. Tiniguiban, Lungsod ng Puerto Princesa.


Posted: March 09, 2015
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017