Scholarship Grant, Benepisyo Para Sa Anak Ng Mga Miyembro
Isa sa ibinibigay na benipisyo ng PALECO sa mga miyembro nito ay scholarship grant para sa mga anak ng mga ito na may angking galing at talino.

Sa kasalukuyan ay mayroong apat (4) slots ang ating Scholarship Program para sa School Year 2015 - 2016 ngunit ito ay maaari lamang para sa mga residente ng mga sumusunod na distrito:

    1. District III-(Bgy.Tiniguiban hanggang Bgy.Inagawan) 1 iskolar
    2. District V-(Narra, Palawan) 1 iskolar
    3. District VIII-(Narra, Palawan) 1 iskolar
    4. At isang iskolar na mula sa mga kukuha ng pagsusulit na may pinakamataas na score


Naririto ang mga pamantayan:

    1. Dapat ang magulang ng mga estudyante ay regular member-customer-owner ng Palawan Electric Cooperative sa loob ng isang taon o higit pa at hindi napatawan ng ano mang paglabag sa batas ng ating Kooperatiba tulad ng pagnanakaw ng kuryente.
    2. Ang aplikante ay dapat walang asawa at hindi hihigit sa 20-taong gulang sa oras ng pagpasa ng aplikasyon.
    3. Dapat ang kanyang general weighted average ay hindi bababa sa 85 percent (4th Year Highschool Rating).
    4. Humingi ng certification mula sa Principal ng paaralang pinasukan na nagsasaad na siya ay kasama sa upper 10 percent ng mga kasabayang nagsipagtapos.
    5. Magsumite ang certificate of good moral character.
    6. Dapat ang pikahuling Income Tax Return ng kanyang mga magulang ay hindi hihigit sa P120,000.00.
    7. Ang huling araw ng pagsumite ng mga kinakailangang dokumento ay sa Mayo 06, 2015 samantala, ang araw ng eksaminasyon ay sa Mayo 09, 2015.


Ang mga makakapasa at magiging iskolar ng PALECO ay maaaring mag-aral sa ano mang paaralan; public school, college o university dito lamang sa Lalawigan ng Palawan. Ang mga kursong maaaring kunin ay Engineering, Business, Accountancy, at Information Technology and Communication.

Mga pribilehiyong maaaring matanggap kapag naging iskolar:

    1. Full Scholarship
    a. Libreng tuition fees
    b. Libro at miscellaneous allowance na hindi hihigit sa P 2, 500 bawat semester
    c. Buwanang allowance na P 1, 500.00
    d. Dalawang set ng school uniform para sa 1st semester at isang set pa sa mga susunod na semester
    e. Summer job employment sa PALECO


    2. Partial Scholarship
    a. Libreng tuition fees
    b. Buwanang allowance na P 750.00
    c. Summer job employment sa PALECO


Sa mga interesado, mangyaring makipag-ugnayan sa Quezon Sub-Office, Narra Sub-Office, o sa PALECO Main-Office, Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City o tumawag sa telepono bilang 433-2001 / 09175532836 / 09989937849.


Posted: March 09, 2015
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2017